Sinasaklaw ng tradisyong-pambayan ng Tsino ang kuwentong-bayan ng Tsina, at kinabibilangan ng mga kanta, tula, sayaw, papet, at kuwento. Madalas itong nagsasabi ng mga kuwento ng likas na pagkatao, makasaysayan o maalamat na mga pangyayaru, pag-ibig, at sobrenatural. Ang mga kuwento ay madalas na nagpapaliwanag ng mga likas na pangyayari at mga natatanging palatandaan.[1] Kasama ng mitolohiyang Tsino, ito ay bumubuo ng mahalagang elemento sa relihiyong-pambayang Tsino.